Thursday, February 24, 2011

Alam mo yung pinakaayaw ko sa lahat?

Yung alam mo na yung mga ayaw ko pero yun parin yung ginagawa mo.

Yung nagmamakaawa akong bigyan mo ko ng oras at panahon.

Yung maririnig kong wala kang oras dahil marami kang ginagawa pero pag niyaya kang uminom, kahit may meeting ka ng maaga kinabukasan o may celebration ang anak mo, oo ka kagad.

Yung kayang-kaya mo bitawan kahit ano para sa alak pero kapag para sakin, ni text man lang, wala.

Yung ipinagpipilitan mong wala kang ginagawang masama. Siguro nga wala kang ginagawang masama pero wala ka ring ginagawang tama.

Yung ipinagdidiinan mong makitid ang utak ko at mahina ang pangunawa ko dahil "hindi ko naiintindihan" ang mga pinaggagagawa mo.

Yung pinipigilan kong makipagtalo sayo kasi pagtapos ng lahat, nagmumukha akong tanga.

Yung hindi ko sa'yo maisumbat lahat kasi alam kong may parte ako kung bakit nangyari yung mga nangyari.

Yung hindi ako makapagkwento sa iba ng mga problema ko kasi gusto ko sana ikaw unang makalaman pero nagpapatong-patong lang lahat dahil wala kang oras at pasensyang makipagkwentuhan.

Yung wala kang pakielam kung nasasaktan mo ba ako o hindi kasi para sa'yo, ako lang naman nananakit sa sarili ko.


Yung mas lalo kang nawalan ng oras para sa akin...sa amin...at walang paraang nahahanap o nagagawa para masolusyonan yun.

Yung hindi ko alam kung anong relasyon meron tayo. Kung pera-pera na lang ba ang usapan.

Yung walang pinagbago 'tong relasyon natin kahit nanjan na yung bata.

Yung naguguluhan nako pero hindi ko masabi sa'yo lahat ng 'to kasi sasabihin mong paulit-ulit lang mga pinoproblema ko.

6 comments:

  1. "Yung ipinagpipilitan mong wala kang ginagawang masama. Siguro nga wala kang ginagawang masama pero wala ka ring ginagawang tama."

    hay Ale, I know this feeling. Hang in there. :(

    ReplyDelete
  2. *hug* Focus on the little one..di ka iiwan niyan, kahit anong mangyare.. Stay strong, I love you.

    ReplyDelete
  3. Yes, sa kanya na nga lang. Nasasayang energy ko sa pagkalungkot.

    ReplyDelete