Friday, December 17, 2010

Being the bum that I am...

I began blog-hopping. I went to my old Blogger account (please forgive me for the pa-cute name and blog) and found old blog entries of people who were once connected to me. I started reading the entries one by one (yes, I have nothing better to do) and came across this entry that I should've read 5 years ago. The entry you're about to read is from a blockmate from college, Ian Emata.


Thursday, December 08, 2005
To all my Block mates and special mentions: sana pagtiyagaan nyo basahin..
Schools almost done, and i know, it would be a start of a new world. Meron magkakahiwahiwalay literally, meron pa din namang magkakasama.. I know na nothing would change kahit na me deblock na tayong lhat.

Sa mga nakalipas na buwan, marami nang naganap, maraming pagbabago at maraming mga pangyayari na hindi inaasahan.

Alam ko marami ng nangyari sa buhay ko ngaun sa DLSU. Marami na rin akong mga bagay na nagawa, nasabi at nabitawan. At siguro dun sa mga nagawa, nasabi at napagdesishonan ko, meron akong mga taong sa di inaasahan ay nasagasaan at nasaktan.  Gusto ko sana kunin tong pagkakataon na to para makahinge ng pasensha at patawad sa mga pangyayari.

"NAGSIMULA AKO NG MAGANDA AT MASAYA sa LR19 at sana rin, MATAPOS AT MAGING MASAYA PARIN AKO SA PAGHIHIWALAY NITO"
Marahil mashado akong tanga at ignorante sa mga nangyayari sa buhay ko sa skool. AT hindi ko itinatanggi na sa mga nakalipas na buwan ay lumungkot na nang lumungkot ang buhay ko sa pamilyang to. Noon marahil ay nagtatanong ako, kung bakit unti unting nawawala ang mga taong dati kong kasama at kaibigan. Nagtatanong kung ano kaya ang problema at nagtatanong kung ano kaya ang aking nagawa. MARAHIL, TANGA nga ako kung lulubusin, hanggang ngaun di ko alam kung bkit ito nangyari. PERO NGAYON naintindihan ko na cguro nga ay ako ang me problema, ako ang me kasalanan kung bakit lahat ng mga nakakalapit ko ay lumalayo sa akin. Gusto kong isipin na ok lang ang lahat. pero sa kabilang banda, di rin ok.

Di ko tinype tong huling blog na to para magpaawa at magpadrama sa mga babasa. Gusto ko lang ipahayag ang saloobin ko sa kahuli hulihang pagkakataon.

Tutal, huling salita na naman to gusto ko na isa isahin kayong lahat.

Unang- una sayo Toni, alam ko malaki na ang gap. At alam ko din na marahil galit na galit o inis na inis ka sa akin. Di kita masisi kung yun tlaga naramdaman mo. Gusto kong malaman mo na nanghinayang ako sa samahan natin bilang magkaibigan. Katulad nga ng tinext mo dati, kung natatandaan mo pa ung quote tungkol sa "Strangers which became friends that became strangers in the end" na me ending na " I hope it wont happen to us" ngunit sa kasamaang palad, un nga ang nangyari satin. Marami akong tanong nun, tangang tanga ako kung bkit naging ganun ung kinahantungan ng lahat. Tanong ako ng tanong kung ano mali kong ginawa. Pero natuto akong tanggapin na lang na talagang ganun. Napag isip isip ko, ako ang me kasalanan Ang naging kasalanan ko ay nagustuhan kita, bilang higit pa sa kaibigan. At dun sa pagkagusto kong yon, nakalimutan ko na hindi ka pala akin, at hindi ko napansin na nagiging gago ako sa gustong pag angkin sayo. ALam ko mali ako, alam ko dahil sa pangyayaring yon, marahil hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan muli. Alam mo, di na ko umaasa pa sa kahit ano pa man, gusto ko lang masabi sayo ang mga bagay na di ko masabi ng harapan. Matagal na rin tayong di nagkakaharat at alam ko na malabo tayong magusap. Gusto ko lang sabihin ung mga nararamdaman ko. Di na rin ako umaasa na magkakabati pa tayo o ano pa man, gusto ko lang lumuwag ung puso ko sa mga bagay na matagal ng nakatanim. Na tipong pag nagkaharap tayo balang araw, MATITITIGAN KITA NG DIRECHO SA MATA nang hindi naiilang. Gusto kita pasalamatan sa lahat ng magagandang alaala na shinare mo sakin, sa pagiging kaibigan kahit sa saglit na panahon, sa pagiging inspirasyon na pansamantala, at sa pagtuturo sa sakin ng realidad sa buhay. Salamat sa lahat lahat, pasensha na lang at hindi ako naging karapatdapat na maging kaibigan mo. Nanghihinayang man ako, nagkamali na ako. Pero hanggang sa huli, maalala pa din kita at dun sa maikling pagiging magkakaibigan akoy nagpapasalamat.


AYOKO SANA MAPAHIYA:

Sunod ay kena CUYEG, ALE, LAU, JAJA at sa dati kong kasama sa grupo. ulit, lalo na sayo Cuyeg, tol, ikaw ang madalas ko nakasama noon, kayo nina Ale, Lau. Nung tayo pa lang nina Steph at Toni. Sa uulitin, hindi ko na naman alam kung bkit nagkaron tayo ng gap. Hanggang ngaun Tanga pa din ako. Marahil cguro, nakita mo na di ako worth it maging kaibigan mo. I mean, cguro dahil sa meron akong mga nasabing hindi mo nagustuhan at dahil sa aking pagsasalita dahil dun. Maaring ang mga dating sayo ng mga nasabi ko ay masakit at di maganda, pero tol pasensha na nadala lang ako pagkakataon. Siguro nakadating sayo ung ikaw ung ginawa kong example sa kung bakit pumasa sa Crithin samanatalang ako hindi. Gusto ko huminge ng tawad kung tingin mo nabackstab kita. Alam ko mali un, pero hindi un ang literal kong ibig sabihin. Maaring hindi rin ako mahusay makisama sa inyo, maari rin na ang dating ko sanyo ay User o akoy walang kwentang pakisamahan. Pare, ikaw ang naging kadikit ko nun. Lam ko meron akong mga nagawa cguro at nasabi. Sana d yun ung naging ending ng samahan natin. Kena ALE, LAU, JAJA at sa mga nakakasama ko dati, marami cguro akong maling desisyon na nagawa. Maraming bagay na di pinahalagahan at inisip. Nauubusan na ko ng salita na sasabihin. DI ko na maisip pa kung ano. Gusto ko lang huminge ng "SORRY" sa inyong lahat sa mga maaring mali kong nagawa sa inyo. Di ko na tatanungin at iisaisahin kung ano cguro ang mga palpak ko, pero pasensha na at di ako naging tunay na kaibigan sa inyo. Di ako umaasang bumalik ang lahat sa dati pero sana, pag nagkitakita ulit, nakataas noo akong babati sa inyong lahat. salamat sa pakikisamang maganda, sa LRT, tawanan at iba pa. MAARING TINGIN NYO madrama ako, pero GANUN LANG TALAGA, SANA MAINTINDHAN NYO. AYOKO kc umalis ng LR19 ng me masamang feelings.

Sunod ay sa mga taong hindi ako nagustuhan at me naka samaan ng loob -  cguro meron akong mga bagay na ginagagwa na indi nyo nagustuhan, meron mga bagay na kinaiinisan nyo sakin. Pasensha na kung di ako magaling makisama at di ako ang tipong block mate na maasahan. Ang masasabi ko lang eh "Sorry" din. sisikapin ko mabago ang lahat para sa ikabubuti.

Sa mga nakalipas na buwan marami akong nalaman, natutunan at sakit na naramdaman at dahil dito sa tingin ko ay mas magiging "mabuti, matalinong tao" sa hinaharap. Salamat at nagpakatotoo kayo sa akin at hindi pinlastic. Di ako nagdaramdam sa mga kinahinatnan ng mga bagay na nangyari sa block at sa akin. At least, pag dating ng panahon, mas matututo akong gawin ang tama.

Salamat naman dun sa mga taong nahanap ko at nagkeep company sakin sa nakalipas na buwan. Salamat sa masayang pakikisama. Kilala nyo cguro kung sino kayo.....

BLOCKMATES, Salamat sa inyong lahat sa pagbigay sa kin ng opportunity na makilala at makasama kayo sa maikling sandali. Salamat sa magandang pakkisama ninyo sa akin. Sa pagtitiyaga sa akin at sa pagiging totoo nyo sa akin. Sa mga tawanan, hiritan, usapan. kahit hindi naging ok ang lahat salamat sa panahon.

TONI,STEPH,CUYEG, ALE,LAU,D, JAJA,SARA,JILL,LES,JASON,SUDOY,TRACY,KIM, SARS, LYNNE,ICKA, KEVIN,JINO,MARCIA,MARY,DHI,LOUI,JOY,JOM,DEN,BABA, IRA,JOHN,JES,MARTIN,KIZIA,JANA,CLARENCE,NIKO, NICO,HUEY,CARESSE, DIAN na sa tingin ko ay nasamaan ko din nang loob,JACKIE at kung meron man akong di nabanggit.
MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT. SALAMAT AT NAGING BAHAGI AKO NG LR19 na meron mga taong katulad nyo. LAhat kayo, kahit sa maliit na paraan ay nakaapekto sa kung ano man ako ngaun. AT sa mga natutunan ko sa inyong lahat, alam ko na marami akong mababago sa aking sarile at sa hinaharap ay mas mabuti at maige akong tao dahil sa inyo. This is not a goodbye, but probably a start for all of us guys. I hope we cross paths again. Salamat sa magandang samahan. Hanggang sa muli nating pagkikita.  sana ay kabahagi pa rin ako ng ating pamilya.. ang LR19.

No comments:

Post a Comment